Sunday, June 19, 2011

Tagalog

Isang araw, pumasok ang topic about blogging nung nagkausap kami ng kaibigan ko. Sabi ko sa kanya, sayang yung dotcom ko kasi wala naman laman. Tinanong nya kung bakit. Sabi ko tinatamad ako magsulat. Minsan kapag may gana ako, di ko naman dala ang laptop so wala rin. Tsaka ang sabi ko pa, nakakahiya kasi non-sense naman mga pinagsususulat ko. At hindi ako kagaya ng iba na wide ang vocabulary. Dala na rin siguro ito ng kaka-interview sa mga taong walang sense. Sorry a, pero totoo.



Minsan nakaka-bobo kung araw-araw, hindi sensible ang kausap mo. Siguro, na-adopt ko yun. Kaya wala akong sense. Ni-suggest nya na mag-blog daw ako sa Tagalog. Sabi ko, kahit Tagalog pa yan, hindi rin kaaya-ayang basahin. Sabi nya e wala na silang pakialam. Blog mo naman yan.


Tama sya, blog ko nga to. Yun totoo, kaya ako nagsusulat e kasi gusto ko na balikan ang mga nangyari sa akin kapag tumanda na ko. Iba na rin ang may online space kasi kapag diary, baka mawala ko lang din. Pero maingat naman ako sa gamit.Yun nga lang, napakarami ko kasing notebooks at planners, kaya hindi rin ako makapili kung saan ko sya isusulat.

Laki ng problema ko no?

Anyways, pag nakuha ko na ang camera ko, iniisip ko kung sa tumblr ko na lang ipo-post ang mga pictures. Para naman hindi ako puro-reblog. Whatchasay?

Image source: http://www.work-at-home-blogger.com/basic-blogging-tips-for-new-blogger/

3 comments:

Ayel said...

Yep you're friends right, blog mo to, so you can say/type/post whatever you want. :) ^_^ yeah! :)

Blog lang ng blog, go lang ng GO! (parang ako masipag noh hahaha!) oh well, minsan tlaga wala ako maisip, or nitatamad. pero basta. hahaha! nasa mood tlga..

Happy Daddy's Day pala sa Dad mo! ^_^

Ayel said...

sorry dapat YOUR un, not YOU'RE haha! sorry naman. :)

Bob said...

Salamat naman at walang sawa kang nagbabasa. Hahaha! Oo nga, blog lang ng blog. Dahil dyan, nakagawa ako ng bago. Hahaha!