Monday, June 20, 2011

Baguio Invasion

Walang kakwenta-kwentang post.



Kung matutuloy, ito na ang pangatlong beses kong aakyat sa Summer Capital of the Philippines. Sana lang talaga wag umulan. Shyet! Kinakabahan ako. Yung totoo. E kasi naman, mga drawing ang kasama ko. Isama mo na ang Queen of Pocahontases na si Maan. Hahaha!

As of this writing, I am currently researching on what to do in Baguio. Gah! Sana may pera ako para mapuntahan at makainan lahat ng ipa-plano ko. Kung hindi, maiiwan ako sa creepy rest house nila Bea. Hahaha!

Balak namin umalis ng Saturday midnight. Syempre kasi napaka-ewan ng shift schedule ko. Not to mention the toooot and the toooot. Kainis lang. Hahaha! So sana may meeting din ang mga kasama ko para quits lang. Plan namin sumakay ng Deluxe bus para mabilis. In 5 hours, nasa City of Pines na kami. Pag dating dun, kakain kami sa carenderia, I insist. Para mura lang. Hahaha! Ok na siguro ang lugaw at mainit na kape. So siguro mga P30 lahat yun. And since nakapagpahinga kami sa byahe at malamig naman, lalakarin na lang namin from the bus station papunta sa bahay nila Bea... At hindi ko alam kung saan yun. Sana malapit lang.

Pagkadating namin dun, wala nang ligo-ligo o bihis, direcho na agad kami sa Baguio Cathedral (Our Lady of Atonement). Tapos direchong Grotto. Aakyatin namin yun habang binibilang ang steps pataas. Pwedeng mag-slow down, pero bawal ang tumigil sa pag-akyat. Pag may tumigil, siya/sila ang magbabayad ng taxi fare namin the whole day. At pag narating na namin ang itaas, panalo kung sino ang may pinakamaliit na butas ng ilong. Tingnan natin kung sino ang hindi maghahabol ng hininga pag nasa tuktok na kami. Ang mananalo ay ililibre ng lunch. Game?

Matapos namin mag picture-picture habang effort sa pagpapaliit ng butas ng ilong, didirecho na kami sa Mines View Park, kung saan makakakita lang naman kami ng bundok. Ano pa nga ba? Tapos direcho sa Good Shepherd Convent. Dun yata ang Pink Sisters. May kwento pala ang Pink Sisters. Dapat daw, wag magpupunta dun ang mag-jowa, dahil magbe-break sila.

So by that time, malamang gutom na kami. Kaya didirecho naman kami sa Camp John Hay para kumain. Gustong gusto kong kumain sa, uhmmm... Basta dun sa Mile Hi Diners yata yun. Hahaha! Nakalimutan ko na. Pero gusto ko lang yung ambience. Pagkatapos kumain, lalakarin namin ang Starbucks CJH. Habang naglalakad, maghahanap kami ng perfect pine cone. Kung sino ang may pinakamalaki, sya ang mauunang pumili ng upuan sa Starbucks. Hahaha! Ang labo men!

Syempre, hindi mawawala ang pagbisita namin sa Convergys Baguio. Alam nyo ba, sa unang araw ng recruitment nila dun, 500++ ang walk-in applicants!!! Imagine! May lalaban ba dun? Hahaha! #yabang

After nun, hindi ko pa alam. Baka manood kami ng Baguio Flower Festival sa Session Road. Ay teka, wala pala. Kasi January-February lang yun. Hahaha! So kung hindi uulan, pupunta kami sa Starwberry Farm at maghahabulan. Parang movie lang? Hahaha! Tapos punta na kami sa Session Road para mag-dinner then hahanap kami ng videoke bar. Since magkikita ulit kami ni Maan, hindi pwedeng hindi namin kantahin ng dut ang I Believe ni Fantasia. Signature song namin yun. Perfect ang blending. Pangako!

Tapos didirecho na kami kila Faye para mag-inuman. Pero sana walang basagan kasi sayang kung hindi namin masasaksihan ang PMA cadets parade sa Sunday morning. Syempre magsisimba kami then maglalaro kami ng golf. Golf? Feeling mayaman. Hahaha!

So ipagdasal natin na matuloy. Otherwise mauuwi na naman sa inuman ang pera namin. Hahaha! You think P3,000 is enough for transpo ang pocket money? Isa pang inaabangan ko e kung may magpaparamdam samin. Especially the White Lady in Loakan. Hahaha! Do you want to read urban legends and ghost stories? Hihihi! Meron ako pero next time na lang muna.

2 comments:

Robbie said...

Gusto ko rin bumalik sa Baguio. parang hindi enough and 2-3 days para mapuntahan lahat ng gusto ko.

BTW, check this site http://lakad-pilipinas.blogspot.com/ ang dami niyang napuntahan sa Baguio within 3 days. Yan din plano kong gawin eh. Hahaha.

Bob said...

Unfortunately, di ka mi tuloy sa Baguio. Yun dad ng isa naming kasama namatay. So baka after 40 days pa.
PERO...
I bought a new cam na! Hahaha!